GG RSG na nga ba, o may panibagong pintong magbubukas?

Isang malaking balita ang yumanig sa MLBB community matapos ianunsyo ng RSG Philippines ang pagtatapos ng kanilang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) journey. Sa isang heartfelt post, kinumpirma ng koponan na magpapaalam na sila sa MPL stage, na nagdulot ng lungkot ngunit puno rin ng pasasalamat mula sa kanilang fans.
The RSG Era
Mula sa kanilang debut hanggang sa kanilang iconic matches, ang RSG Philippines ay naging bahagi ng kasaysayan ng MPL. Hindi lamang sila nagbigay ng intense gameplay, nag-iwan din sila ng legacy ng sportsmanship at determination. Ang kanilang teamwork at adaptability sa bawat laban ay palaging inaabangan ng kanilang supporters. Bukod sa naging champions sila ng MPL Season 9, sila rin ay naging Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) champions nung 2022.
Emotional Farewell to Players and Fans
"The secret of change is to focus all your energy on the next game, not the last match."—Socrates (if he played…
Posted by RSG Philippines on Thursday, January 23, 2025
Sa kanilang statement, pinasalamatan ng RSG ang kanilang mga mga loyal fans, na palaging nariyan upang sumuporta, manalo man o matalo. Ang bond ng team at ng community ay isa sa mga pinakamagandang bahagi ng kanilang journey. “As we close this chapter, we do not remember the days, but we remember the moments. Thank you for being a part of our journey,” RSG said in their statement “Every end has a new beginning, Phase 1 is now completed.”
What Lies Ahead?
Habang ang MPL chapter ng RSG Philippines ay nagsara, nananatiling aktibo ang organisasyon sa esports industry. Posible pa rin ang kanilang pagbabalik sa ibang anyo, at maraming naghihintay kung ano ang susunod nilang hakbang. Para naman sa kanilang players, bukas ang posibilidad ng paglalaro sa ibang koponan o pagsisimula ng bagong karera.
Ngunit sa dulo ng kanilang post, nakasaad na “Our raid is over…or is it?” na nagbibigay posibilidad na baka bumalik muli ang kanilang team sa MPL, o kaya nama’y pwede rin silang magventure sa iba pang esports games.
A Journey Worth Celebrating
Hindi man ito ang ending na inaasahan ng fans, ang RSG Philippines ay nananatiling isang simbolo ng hard work at resilience. Ang kanilang mga laban at panalo ay palaging magiging bahagi ng kasaysayan ng MPL.