End of an era indeed.

Isa na namang kabanata ang nagtatapos para sa Blacklist International, isa sa pinakamalalaking pangalan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL). Inanunsyo ng team ngayong araw, January 21, 2025, na magtatapos na ang journey ng kanilang MPL team.
To our Agents, Break the Code. Three simple words that did not mean much when we first uttered them in 2020. Yet only…
Posted by Blacklist International on Monday, January 20, 2025
As announced on their official Facebook post, sinabi ng Blacklist International na hindi na magpapatuloy sa ngayon ang kanilang MPL team matapos magtake over ang isang di pinangalanang esports organization. “Though we believe in the future of the MLBB community, with a heavy heart, we bid a bittersweet farewell to the Blacklist MLBB men’s team, as the organization has decided to transfer our MPL Franchise Ownership to a new organization for MPL season 15,” the organization announced.
Legacy of Excellence
Ang Blacklist International ay kilala bilang powerhouse ng MPL, na nagbigay ng hindi mabilang na iconic moments sa liga. Sa ilalim ng kanilang “UBE Strategy” (Ultimate Bonding Experience), nakuha nila ang dalawang MPL championships at ang M3 World Championship crown. Hindi maikakaila ang impact na naiwan nila, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa global MLBB scene.
Grateful For The Code
Sa kanilang announcement, ipinahayag ng team ang pasasalamat sa kanilang players na naging bahagi ng matagumpay na journey. Ang roster, na binubuo ng mga MPL pro players tulad nina OhMyV33nus, Wise, Edward, Hadji, at Oheb, ay naging simbolo ng teamwork, disiplina, at dedikasyon. Ang kanilang chemistry ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming aspiring players.
Abangan kung anong team ang papalit sa slot ng Blacklist International sa MPL at baka sila na ang susunod na malakas na team sa ML na pwede mong pustahan! Punta na sa esports betting sites tulad ng Win For Life at MWCash.